Ayon sa pahayag ng Ministri ng Komunikasyon ng Myanmar nitong Sabado, Mayo 7, 2016, dalawang tao ang nasawi at mahigit 50 ang nasugatan sa insidente ng pagsabog na naganap nang araw ring iyon sa isang depot ng pampasabog sa Mongla ng Shan State.
Ayon sa pahayag ng departamento ng Shan State, ang nasabing depot ay ginagamit bilang imbakan ng mga explosive material para sa pagmimina sa lokalidad.
Anang pahayag, ang pagsabog ay nagmula sa sobrang init ng panahon at di-maayos na pangangasiwa sa mga materiyal sa depot.