Sapul noong huling dako ng nagdaang buwan, dumaluhong ang ilang malakas na bagyo sa lalawigang Mandalay sa gitna ng Myanmar. Labingwalo (18) katao ang namatay, at 24 iba pa ang nasugatan.
Ayon sa ulat kamakalawa, ika-4 ng Mayo 2016, ng pamahalaan ng Mandalay, nawasak ang maraming bahay at ibang arkitektura. Umabot anito sa mahigit 3.1 bilyong Myanmar Kyat o halos 2.8 milyong Dolyares ang kapinsalaan.
Sa kasalukuyan, isinasagawa ng lokal na pamahalaan ang gawaing panaklolo sa mga apektadong lugar, at lumampas na sa 600 milyong Myanmar Kyat o 500 libong Dolyares ang nakalap na donasyon.
Salin: Liu Kai