Nakipag-usap sa Nay Pyi Taw, Myanmar nitong Martes, Mayo 3, 2016 si Aung San Suu Kyi, Ministrong Panlabas ng Myanmar sa kanyang Japanese counterpart na si Kishida Fumio.
Sa isang preskong idinaos pagkatapos ng pag-uusap, ipinahayag ni Kishida Fumio ang pag-asang magsisikap, kasama ng Myanmar para mapabuti ang kapaligiran ng pamumuhunan para pasulungin ang pagtutulungan ng mga bahay-kalakal. Nakahanda aniya ang Hapon na palawakin ang pamumuhunan sa Myanmar sa kalusugan, edukasyon, agrikulktura, imprastruktura, at iba pa para lumikha ng mas maraming pagkakataon ng hanap-buhay. Ipinahayag din ni Kishida Fumio ang pananabik sa kauna-unahang pagdalaw ni Aung San Suu Kyi sa Hapon, bilang Ministrong Panlabas ng Myanmar.
Nang araw ring iyon, sa magkahiwalay na okasyon, kinatagpo si Kishida Fumio nina Pangulong Htin Kyaw ng Myanmar at Min Aung Hlaing, Kataas-taasang Pinuno ng sandatahang lakas ng bansa.