Idinaos nitong Martes, ika-10 ng Mayo 2016, sa Washington DC, ang unang diyalogo ng Tsina at Amerika hinggil sa seguridad sa kalawakan.
Magkasamang nangulo sa diyalogo sina Wang Yun, Puno ng Department of Arms Control ng Ministring Panlabas ng Tsina, at Frank Rose, Asistanteng Kalihim ng Estado ng Amerika.
Nagpalitan ng palagay, at nagkaroon ng komong palagay ang dalawang panig, hinggil sa patakaran sa kalawakan ng kani-kanilang bansa, bilateral na kooperasyon sa aspekto ng seguridad sa kalawakan, at multilateral na inisyatibo hinggil sa seguridad sa kalawakan. Sinang-ayunan din nilang isagawa ang ikalawang round ng diyalogong ito bago ang katapusan ng taong ito.
Salin: Liu Kai