|
||||||||
|
||
Mga kalahok sa High-Level Seminar on Promoting the Rule of Law for Sustainable Development
Idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-13 ng Mayo 2016, sa Beijing ang High-Level Seminar on Promoting the Rule of Law for Sustainable Development, sa ilalim ng balangkas ng China-ASEAN Legal Forum.
Sa ilalim ng pagtataguyod ng China Law Society at Thailand Institute of Justice, kalahok sa seminar na ito ang mahigit 300 ekspertong pambatas mula sa Tsina at mga bansang ASEAN.
Si Chen Jiping, Pangalawang Puno ng China Law Society, sa seminar
Sa kanyang talumpati sa seminar, sinabi ni Chen Jiping, Pangalawang Puno ng China Law Society, na kailangang ibayo pang palakasin ng Tsina at mga bansang ASEAN ang kooperasyong pambatas, at magkakasamang makisangkot sa mga pandaigdig na usapin ng "rule of law." Ito aniya ay para mas magandang harapin ng Tsina at ASEAN ang mga bagong pagkakataong pangkaunlaran.
Si Princess Bajrakitiyabha ng Thailand sa seminar
Nanawagan naman si Princess Bajrakitiyabha ng Thailand, sa Tsina at mga bansang ASEAN, na palakasin ang pagpapalitan hinggil sa mga batas at regulasyon ng isa't isa. Sa pamamagitan nito aniya, mas maayos na isasagawa ng mga bansa ang kooperasyon sa ilalim ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road o "Belt and Road" initiative.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |