Idinaos nitong Huwebes, Mayo 12, 2016 sa Yangon, Myanmar ang seremonya ng inagurasyon ng pagtatatag ng Tharkayta Natural Gas Power Plant. Ang proyektong ito ay magkasamang pinondohan at papatakbuin ng Tsina at Myanmar.
Ipinahayag ng gobernador ng lalawigang Yangon na ang nasabing proyekto ay hindi lamang gaganap ng mahalagang papel sa pagsuplay ng koryente tungo sa Yangon, kundi angkop din sa pangmatagalang interes ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Embahador Hong Liang ng Tsina sa Myanmar na kinakatigan ng pamahalaang Tsino ang mga bahay-kalakal na Tsino upang palawakin ang pamumuhunan sa Myanmar sa larangan ng koryente. Ito aniya ay para tulungan ang kaunlarang pangkabuhayan ng Myanmar.