|
||||||||
|
||
Ipinahayag ngayong araw, Mayo 9, 2016 ng Directorate of Investment and Company Administration ng Myanmar ang target na 8 bilyong U.S. dollar na puhunang dayuhan sa fiscal year 2016-17. Ang nasabing fiscal year (FY) nagsimula nitong Marso.
Noong FY 2015-16, 9.5 bilyong dolyares na puhunang dayuhan ang natanggap ng Myanmar. Ito ay halos dalawang beses ng halaga noong FY 2014-15 na 5 bilyong dolyares ang puhunang dayuhan.
Mula 1988 hanggang nitong nagdaang Marso, 2016, lumampas sa 63 bilyong U.S. dollar ang kabuuang halaga ng puhunang dayuhan sa Myanmar. Kabilang dito, ang Tsina, bilang pinakamalaking bansang mamumuhunan ay nagbuhos ng mahigit 18 bilyong dolyares sa Myanmar. Ito ay 28% ng kabuuang puhunang dayuhan. Ang Singapore at Thailand ay nakahanay sa ikalawa at ikatlong puwesto at namuhunan ng mahigit 13 bilyong dolyares at 10.5 bilyong dolyares ayon sa pagkakasunod.
Ang sektor ng langis at gas ay tumanggap ng pinakamalaking puhunan na nagkahalaga ng 22.4 bilyong dolyares, o 35% ng kabuuang halaga. Samantala, ang sektor ng power, manufacturing, at transportasyon at komunikasyon ay nakatanggap ng halos 20 billion U.S. dollars, halos 7 billion U.S. dollars at mahigit 5 billion U.S. dollars, ayon sa pagkakasunud-sunod.
Hinihikayat ng Myanmar Investment Commission ang mga dayuhan na mamuhunan sa kalakalan, agrikultura, at imprastruktura ng bansa.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |