Kaugnay ng sinabi kahapon ng tagapagsalita ni Rodrigo Duterte, bagong halal na pangulo ng Pilipinas, hinggil sa kahandaang makipagdiyalogo sa Tsina sa isyu ng South China Sea, at makipagtulungan din sa pangingisda, at paggagalugad ng langis at natural gas, ipinahayag ngayong araw, Miyerkules, ika-11 ng Mayo 2016, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pag-asang maayos na hahawakan ng dalawang bansa ang mga hidwaan, at panunumbalikin ang bilateral na relasyon sa malusog na landas, sa pamamagitan ng mga aktuwal na aksyon.
Tinukoy din ni Lu na ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino ay angkop sa saligang interes ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan. Makakabuti rin ito aniya sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng rehiyong ito.
Salin: Liu Kai