Nagtagpo nitong Martes, Mayo 17, 2016, sina Xu Bu, Embahador Tsino sa ASEAN, at Aarif Yahya, Ministro ng Turismo ng Indonesia para talakayin ang kooperasyong panturismo ng dalawang bansa at sa pagitan ng Tsina at ASEAN.
Sinabi ni Xu na ang industriya ng turismo ay nakakabuti sa hanap-buhay, kabuhayan, pagpapalitan ng kultura at pagkakaunawaan. Nakahanda aniya siyang aktibong pasulungin ang kooperasyong panturismo ng Tsina at Indonesia, Tsina at ASEAN.
Sinabi ni Aarif Yahya na ang Tsina ay isa sa mga pinakamalaking pamilihan ng industriyang panturismo ng Indonesia. Winelkam ng Indonesia ang kooperasyong panturismo sa Tsina at pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa industriyang turismo ng kanyang bansa.
Nakahanda aniya ang Indonesia na gamitin ang mga hakbangin na gaya ng pagdaragdag ng direktang flight, pagsasanay sa wikang Tsino, at bagong proyektong panturista, para hikayatin ang mas maraming turistang Tsino.