Sa katatapos na ika-5 pulong ng mekanismo ng diyalogo ng Tsina at Indonesia sa antas ng pangalawang punong ministro, sinang-ayunan ng Tsina at Indonesia ang pagpapahigpit ng mga kooperasyon sa iba't ibang larangan.
Magkasamang pinanguluhan ang pulong na ito nina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Pamahalaang Tsino, at Luhut Panjaitan, Ministro ng Pulitika, Batas at Suliraning Panseguridad ng Indonesia.
Sinang-ayunan ng dalawang panig ang patuloy na pagpapalalim ng pagtitiwalaang pulitikal, mga kooperasyon sa daambakal, koryente, pagmimina, agrikultura, pangingisda, at seguridad.
Bukod dito, aktibong pasusulungin ng dalawang bansa ang matatag at sustenableng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN.