IPINAGSUMBONG ng grupong "Mata sa Balota" ang isang opisyal ng Smartmatic at Parish Pastoral Council for Responsible Voting sa pagbabago ng script sa transparency server matapos ang halalan noong Mayo nueve.
Nagtungo si Rodolfo Javellana, Jr. ng "Mata sa Balota" Movement sa Ombudsman at inakusahan si Smartmatic Project Managver Marlon Garcia at PPCRV Chair Henrietta de Villa ng paglabag sa election automatic law o Republic Act 9369.
Akusado ang dalawa ng tampering, pagdaragdag o pagbabawas ng boto mula sa vote counting machines noong halalan. Wala umanong prueba ng vote tampering.
Akusado rin ang Commission on Elections. Bagaman, ang mga commissioner ay impeachable officers kaya't hindi isinama sa reklamo. Kasama sa mga nagreklamo si Fr. Robert Reyes, isang misyonerong Franciscano.