PINILI na ni incoming president Rodrigo Duterte si Chief Supt. Ronald dela Rosa bilang kahalili ni PNP Director General Ricardo Marquez.
Mula sa Davao City, sinabi ni Christopher Go, executive assistant ni G. Duterte, na napili na si Dela Rosa sa tatlong mga nabanggit na opisyal. Magbibitiw na si General Marquez pagsapit ng huling araw ng Hunyo.
Maglilingkod si dela Rosa sa susunod na 11 buwan sapagkat magreretiro na siya sa Mayo ng 2017. Naglingkod siya bilang city police chief noong 2011 hanggang 2013. Nagmula sa PMA Class 1986 si Dela Rosa.