Sinabi kamakailan ni Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Amerika, na kung hindi pipigilin ng pamahalaang Amerikano ang patuloy na pagpapadala ng mga bapor at eroplanong pandigma sa South China Sea, magdudulot ito ng militarisasyon sa karagatang ito.
Nanawagan sa panig Amerikano si Cui na kontrolin, kasama ng Tsina, ang pagkakaiba, sa pamamagitan ng pragmatiko at konstruktibong hakbangin, para hindi ito makaapekto sa relasyon ng dalawang bansa.
Dagdag pa ni Cui, sa isyu ng South China Sea, gusto lamang ng Tsina na pangalagaan ang sariling lehitimong karapatan at kapakanan. Ayaw aniya ng Tsina na ipagkaila ang interes ng ibang bansa o hamunin ang ibang bansa.
Salin: Liu Kai