|
||||||||
|
||
Sochi, Rusya—Binuksan dito ngayong araw, Mayo 19 2016, ang dalawang-araw na ASEAN- Russia Summit.
Dumadalo sa summit ang mga lider ng mga bansang ASEAN na kinabibilangan nina Pangulong ng Indonesia, Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore, Punong Ministro Nguyen Xuan Phuc ng Biyetnam, Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya, Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand, at Pangulong Htin Kyaw ng Myanmar.
Miyerkules, Mayo 18, ipinahayag ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Rusya na sa panahon ng summit, nakatakdang isagawa ng Rusya at ASEAN ang malalimang pagtalakay at kooperasyon sa mga larangang gaya ng seguridad, kabuhaya't kalakalan, malinis na enerhiya, agrikultura, turismo, at edukasyon. Itatatag din ang bagong bilateral na relasyon.
Noong isang linggo, nagpahayag si Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ng pag-asang mapapataas ng nasabing summit ang kalidad ng estratehikong relasyon ng Rusya at ASEAN sa bagong antas, at mapapalalim, hindi lamang ang relasyong pangkabuhayan, kundi rin ang kooperasyon sa larangang panseguridad na kinabibilangan ng patakaran sa paglaban sa terorismo.
Tinukoy naman ng dalubhasang Ruso na itinuturing ng panig Ruso na "palatandaan ng pagbalik nito sa rehiyong silanganin" ang kasalukuyang summit.
Ito ang ika-3 summit sa pagitan ng Rusya at ASEAN. Idinaos sa Kuala Lumpur at Hanoi ang una at ika-2 summit noong 2005 at 2012, ayon sa pagkakasunod.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |