Nakatakdang idaos sa Sochi, Rusya ang Summit ng Rusya at ASEAN, mula Mayo 19-20, 2016.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Miyerkules, Mayo 11 ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na ito ay para mapahigpit ang pagtutulungan ng Rusya at ASEAN sa seguridad na panrehiyon, paglaban sa terorismo, kaunlarang pangkabuhayan, at iba pa.
Tinukoy ni Putin na tatalakayin ng mga kalahok ang hinggil sa pagpapabuti ng estrukturang panseguridad, paghanap ng bagong paraan sa pakikibaka laban sa terorismo, at paglaban sa transnasyonal na krimen. Dagdag pa ni Putin, ito ay makakatulong sa pagpapasulong ng pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan, at paglutas sa mga isyu ng Asya-Pasipiko.