Miyerkules, Mayo 18 2016, Sochi, Rusya—Nag-usap dito sina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, at Joko Widodo, dumadalaw na Pangulo ng Indonesia.
Tinalakay ng kapuwa panig ang isyu ng pandaigdigang terorismo, at nilagdaan ang kasunduan sa kooperasyong pampamahalaan sa larangang pandepensa. Bukod dito, patuloy na makikipagtulungan ang Rusya sa Indonesia, sa ilalim ng mga balangkas na gaya ng United Nations, G20, Asia-Pacific Economic Cooperation, Organisation of Islamic Cooperation, at iba pa.
Sa news briefing pagkatapos ng pag-uusap, sinabi ni Putin na tinalakay nila ni Pangulong Widodo ang hinggil sa pagtatatag ng sona ng malayang kalakalan ng Indonesia at Eurasian Economic Union (EAEU), para ibayo pang mapataas ang halaga ng bilateral na kalakalan ng dalawang bansa. Sinabi naman ni Widodo na winewelkam nito ang pagpapalawak ng Rusya ng pamumuhunan sa larangan ng daambakal, puwerto, at pagpoproseso ng langis ng kanyang bansa.
Salin: Vera