|
||||||||
|
||
Mga kamag-anakan ng mga nasawing pasahero sa Flight MS804
Ipinatalastas kahapon, Biyernes, ika-20 ng Mayo 2016, ng panig militar ng Ehipto, na narekober ang bahagi ng mga debris, at bangkay ng mga pasahero ng bumagsak na Flight MS804 ng EgyptAir.
Bumagsak kamakalawa ng madaling araw ang naturang eroplanong lumipad mula Paris hanggang sa Cairo. Karamihan sa 56 na nasawing pasahero ay galing sa Ehipto at Pransya.
Ayon pa rin sa panig ng Ehipto, patuloy pa ang gawain ng paghahanap, para marekober ang dalawang black box ng eroplano.
Samantala, magkahiwalay na nagpadala ng mensahe kahapon si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kina Pangulong Abdel-Fattah el-Sisi ng Ehipto, at Pangulong Francois Hollande ng Pransya, kaugnay ng pagbagsak ng Flight MS804 ng EgyptAir. Nagpahayag siya ng pakikiramay sa kanyang mga counterpart, at mga kamag-anakan ng mga nasawi.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |