Sochi-Rusya—Sa katatapos na ASEAN –Russia Summit, nilagdaan ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Russia ang Sochi Declaration.
Batay sa nasabing deklarasyon, pahihigpitin ng dalawang panig ang pagtutulungan sa kabuhayan, pagpapalitang panlipunan at pangkultura, pagtutulungan para sa pagpapaliit ng agwat sa kaunlaran, at pagtutulungan laban sa terorismo.
Idinaos ang Ika-3 ASEAN-Russia Summit sa Sochi, mula ika-19 hanggang ika-20 ng Mayo, 2016. Ginanap sa Kuala Lumpur at Hanoi ang una at ika-2 summit noong 2005 at 2012, ayon sa pagkakasunod.
Sina Russian President Vladimir Putin (kanan) at Lao Prime Minister Thongloun Sisoulith (kaliwa) sa paglahok sa preskon ng ASEAN-Russia Summit. Larawang kinunan May 20, 2016 (Xinhua/Bai Xueqi)
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio