File photo: seremonyang idinaos noong ika-23 ng Pebrero 2009 ng Tsina at Biyetnam para sa pagtatapos ng demarkasyon ng hanggahan sa lupa ng dalawang bansa
Nagpulong ngayong araw, Martes, ika-24 ng Mayo 2016, sa Nanning, ang Tsina at Biyetnam, para lagumin ang kalagayan ng pagpapatupad ng kanilang tatlong dokumentong pambatas hinggil sa hanggahan sa lupa na nagkabisa noong 2010. Ang naturang tatlong dokumento ay kasunduan hinggil sa demarkasyon ng hanggahan sa lupa, kasunduan hinggil sa sistema ng pangangasiwa sa hanggahan sa lupa, at kasunduan hinggil sa mga border ports at sistema ng pangangasiwa sa mga ito.
Kapwa kinikilala ng Tsina at Biyetnam ang mahalagang ambag ng tatlong dokumentong ito sa kaayusan sa purok-hanggahan, pagpapalagayan ng mga mamamayan sa purok-hanggahan, at kalakalan ng dalawang bansa. Ang mga ito anila ay makakatulong sa pagdaragdag ng pagtitiwalaan at pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa.
Tinalakay din ng dalawang panig ang hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon sa purok-hanggahan sa mga aspekto, na gaya ng pagpapatupad ng batas, pagbubukas ng mga border ports, turismo, at konstruksyon ng imprastruktura.
Salin: Liu Kai