Sa pakikipag-usap sa Hanoi, nitong Huwebes, Mayo 5, 2016 kay Hong Xiaoyong, Embahador ng Tsina sa Biyetnam, ipinahayag ni Pangulong Tran Dai Quang ng Biyetnam ang pag-asang ibayong mapapahigpit ang mapagkaibigang pakikipagtulungan sa Tsina, at ilalagay ito sa pangunahing puwesto sa patakarang panlabas ng bansa.
Nakahanda aniya ang Biyetnam na magsikap, kasama ng Tsina para pahigpitin ang pagpapalitan sa ibat-ibang antas, at palakasin ang pagtitiwalaang pampulitika, para pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Hong Xiaoyong na ang pangangalaga at pagpapasulong ng tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Biyetnam ay angkop sa pundamental na interes ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Biyetnam para pahigpitin ang estratehikong pagpapalitan, palakasin ang pagtitiwalaang pampulitika, at maayos na kontrolin ang pagkakaiba ng palagay, upang mapasulong ang pragmatikong pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan.