Huwebes, Mayo 26, 2016—Sinabi ni Darren Chester, Ministro ng Imprastruktura at Transportasyon ng Australia, na ayon sa resulta ng inisyal na pagsusuri, ang 3 bagong tuklas na piraso ng eroplano na nahanap sa rehiyong pandagat ng Aprika, ay may kinalaman sa nawawalang Flight MH 370 ng Malaysia Airlines.
Aniya, kabilang sa naturang 3 piraso ng eroplano, 2 ang natuklasan sa rehiyong pandagat sa paligid ng Mauritius, at isa ang natuklasan sa rehiyong pandagat sa paligid ng Mozambique.
Ayon kay Chester, ipapadala ng awtoridad ng Malaysia ang nasabing 3 piraso sa Australia para sa ibayo pang pagsusuri ng mga dalubhasa.
Ayon pa kay Chester, patuloy na susulong ang pandaigdigang paghahanap sa MH370. Sa kasalukuyan, tapos na ang paghahanap sa ilalim ng katubigang may lawak na 105 libong kilometro kuwadrado. Sabi niya, ang paghahanap sa naturang nawawalang eroplano ay nakapokus ngayon sa pinakahuling 15 libong kilometro kuwadradong rehiyon.
Salin: Vera