Martes, ika-29 ng Marso 2016, ipinahayag ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Transportasyon ng Malaysia, na isa pang piraso ng pinaghihinalaang labi ng nawawalang Flight MH 370 ng Malaysia Airlines ang natuklasan sa Timog Aprika, pero maaga pa para ito ay makumpirmang galing sa MH370.
Noong ika-8 ng Marso, 2014, nawala ang Boeing 777-200 aircraft habang lumilipad mula Kuala Lumpur, Malaysia papuntang Beijing, Tsina. Ito ay may sakay na 239 na pasahero at 154 sa mga ito ay Tsino. Noong ika-29 ng Enero ng 2015, ipinatalastas ng Kawanihan ng Abiyasyong Sibil ng Malaysia na bumagsak ang nasabing eroplano, at nasawi ang lahat ng pasahero.
Noong nagdaang Hulyo, natuklasan ang piraso ng labi ng MH370 sa Reunion Island, at pagkaraan ng isang buwang pagsusuri, ito ay kumpirmadong nagmula sa nasabing eroplano. Ang mga piraso ng labi na natuklasan sa Mozambique at Reunion Island noong unang dako ng kasalukuyang buwan ay ipinadala na sa Australia para sa pagsusuri.
Salin: Vera