Miyerkules, ika-20 ng Abril 2016, ayon sa opisyal na pahayag ni Darren Chester, Ministro ng Imprastruktura at Transportasyon ng Australia, kinumpirma ng Technical Examination Report ng Australian Transport Safety Bureau (ATSB) na ang dalawang piraso ng eroplano na natuklasan sa Mozambique ay galing sa nawawalang Flight MH 370 ng Malaysia Airlines.
Patuloy na susulong ang pandaigdigang paghahanap ng MH370 sa timog Indian Ocean na pinamumunuan ng Australia, aniya pa. Sa kasalukuyan, tapos na ang paghahanap sa ilalim ng katubigang may lawak na 100 libong kilometro kuwadrado. Ang paghahanap ng nawawalang eroplano ay nakapokus ngayon sa pinakahuling 20 libong kilometro kuwadradong rehiyon.
Salin: Vera