Tinukoy nitong Huwebes, Mayo 26, 2016 sa Kuala Lumpur ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Transportasyon ng Malaysia, na ang lahat ng mga pinagdududahang labi ng MH370, na natuklasan, sa Mauritius man o sa ibang lugar, ay dapat tumanggap ng ibayo pang pagsusuri. Pagkaraan nito, saka lamang makukumpirma kung kabilang o hindi ang mga ito sa MH370.
Aniya, magkapareho ang prosedyur ng pagsusuri sa lahat ng mga pinagdududahang labi ng eroplano. Kung matitiyak na ang isang piraso ay galing sa MH370, ipapadala ito sa Australia para sa komprehensibong pagsusuri.
Salin: Vera