Martes, Mayo 31, 2016, ipinahayag ni Augustine Magiha, Ministrong Panlabas ng Tanzania, na kinakatigan ng kanyang bansa ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng South China Sea (SCS).
Aniya, kaugnay ng alitan ng soberanya sa South China Sea, kinakatigan ng Tanzania ang mapayapang paglutas sa isyung ito sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian ng mga bansa sa rehiyong ito. Umaasa aniya siyang igigiit ng mga kinauukulang organo ang mga may kinalamang tadhana ng United Nations Convention on the Law of the Sea na itinakda noong 1982, at igagalang ang karapatan ng mga soberanong bansa at signataryong bansa sa nagsasariling pagpili ng solusyon ng alitan.
Dagdag pa niya, mabagal ang kasalukuyang pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig, at ang rehiyon ng nasabing karagatan ay mahalagang sentro ng kabuhayan, produksyon, at kalakalan. Nananalig aniya ang Tanzania na ang aktuwal na solusyon ng isyung ito ay pagsasagawa ng diyalogo at pagsasanggunian ng mga may kinalamang bansa.
Salion: Vera