Nang kapanayamin kamakailan ng mamamahayag, ipinahayag ni Okello Oryem, Puno ng Departamento ng mga Suliraning Pang-estado ng Ministring Panlabas ng Uganda, na kinakatigan niya ang paglutas ng mga may direktang kaugnayang bansa sa alitan sa South China Sea (SCS), sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian.
Nagpahayag din siya ng kawalang pagkaunawa sa unilateral na pagharap ng Pilipinas ng arbitration. Ipinalalagay niyang ito ay hindi makakabuti sa pagresolba ng problema, at dapat lutasin ng Pilipinas ang mga kinauukulang alitan, sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan at pakikipagsanggunian sa Tsina.
Salin: Vera