|
||||||||
|
||
Ipinahayag ni Ban ang kanyang pagkapoot sa dalawang atakeng nakatuon sa misyong pamayapa ng UN. Ipinahayag din niya ang pakikiramay sa mga kapamilya ng mga namatay. Umaasa rin siyang gagaling ang mga sugatan sa lalong madaling panahon. Sinabi rin ni Ban na ihahain niya sa UN Security Council ang mga mungkahi hinggil sa pagpapalakas ng kakayahang panlaban ng UN Multi-dimensional Integrated Stabilization Mission (MINUSMA).
Inilahad din ng UN Security Council ang pinakamatinding pagkondena sa nasabing mga teroristikong atake. Nagbigay-pugay rin ito sa lahat ng mga tauhang pamayapa na nagsasapanganib sa sariling buhay.
Nanawagan din ang UN Security Council na parusahan ang may-kagagawan ng atake. Inulit din nito ang pakikibaka laban sa terorismo sa anumang porma.
Miyerkules, June 1, 2016 inatake ng mga terorista ang MINUSMA Camp sa Gao, Mali na ikinamatay ng isang Tsinong tauhang pamayapa at ikinasugat ng apat na iba pa. Nang araw ring iyon, inatake rin ang base ng UN Mine-defusing project sa Gao na ikinasawi ng dalawang guwardiyang Mali at isang dalubhasang Pranses.
Ang Al-Qaida in the Islamic Maghreb (AQIM) ay umaming may kagagawan sa nasabing dalawang teroristikong atake.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |