Sa panahon ng kanilang pananatili sa Paris, Pransya, nagtagpo kahapon, Biyernes, ika-3 ng Hunyo 2016, sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Retno Marsudi ng Indonesya.
Ipinahayag ni Wang, na ang pagpapalalim at pagpapaunlad ng relasyon ng Tsina at Indonesya ay makakabuti hindi lamang sa kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito, kundi rin sa pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Indonesya, na palalimin ang pag-uugnayan sa iba't ibang aspekto, at pasulungin ang estratehikong kooperasyon.
Ipinahayag naman ni Marsudi, na maganda ang kooperasyon ng Indonesya at Tsina sa kabuhayan, kalakalan, pamumuhunan, at iba pa. Mabunga naman aniya ang kooperasyon ng ASEAN at Tsina. Dagdag niya, kailangang palakasin ng Indonesya at Tsina ang pag-uugnayan at palawakin ang pagtutulungan, para pasulungin ang relasyon ng dalawang bansa at relasyon ng ASEAN at Tsina.
Salin: Liu Kai