Ayon sa pahayag ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng Amerika, pumasok Lunes ng hapon, June 6, 2016 sa Bigelow Expandable Activity Module (BEAM) sa International Space Station sina Jeff Williams, astronaut na Amerikano at Oleg Skripochka, astronaut na Ruso. Ang BEAM ay tinaguriang "inflatable room."
Ito ang unang pagpasok ng mga astronaut sa nasabing "silid" sapul nang palobohin ito noong Mayo 28, 2016. Ito ang pagsisimula ng dalawang taong pagsubok ng pangongolekta ng datos.
Inilunsad ang proyeko ng BEAM para suriin at patunayan ang teknolohiya ng "expandable habitat" sa kalawakan. Kabilang sa mga susuriing function ng BEAM ay paglaban sa solar radiation, kakayahan na mapaglabanan ang lugso ng basura sa kalawakan, kakayahan laban sa extreme temperature at iba pa.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio