Kaugnay ng ulat ng mga media ng Hapon na nagsasabing pumasok ngayong araw, Hunyo 9, 2016, ng mga bapor na pandigma ng Tsina at Rusya sa karagatan sa paligid ng Diaoyu Island, ipinahayag ng Ministri ng Tanggulan ng Tsina, na pinapansin ang mga ulat at isinasagawa ang imbestigasyon hinggil sa mga bagay na nabanggit sa ulat.
Binigyang-diin ng nasabing departamento na ang Diaoyu Island ay nabibilang sa teritoyo ng Tsina at may kapangyarihan ang mga bapor na pandigma ng Tsina sa paglalagay sa karagatan nito.