Astana, Kazakhstan—Idinaos ika-8 ng Hunyo, 2016 ang news briefing ng Ika-13 Pulong ng mga Minsitrong Pandepensa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), pinanguluhan ito ni Rear Admiral Guan Youfei, Director of Foreign Affairs Office ng Central Military Commission ng Tsina.
Sinabi ni Guan na sa pulong, sinariwa ng iba't ibang panig ang mga bungang pangkooperasyong militar at pangseguridad nitong 15 taong nakalipas sapul nang itatag ang SCO, at tinalakay nila ang hinggil sa kalagayang panseguridad ng rehiyon at mga mainit na isyu. Sinang-ayunan aniya ng mga kalahok na ang pandaigdig na terorismo ay pangunahing hamon pa rin sa rehiyon ng SCO. Dapat buong taimtim na puksain ang pag-unlad ng ISIS at iba pang organisasyong terorista sa rehiyong ito. Patuloy na gagawing preperensyal na larangan ng kooperasyon ng SCO ang paglaban sa terorismo.
salin:wle