|
||||||||
|
||
Sa pahayagang Daily Telegraph ng Britanya, ipinalabas kahapon, Biyernes, ika-10 ng Hunyo 2016, ni Liu Xiaoming, embahador ng Tsina sa Britanya, ang artikulong nagsasabing hindi dapat maglaro ng apoy sa isyu ng South China Sea.
Tinukoy ni Liu, na bagama't hindi lubos na alam ng mga mamamayang Britaniko ang isyu ng South China Sea, mainit pa rin ang kanilang pagtatalakay hinggil sa South China Sea arbitration. Ayon kay Liu, sinabi ng mga tao, na kung hindi tatanggapin ng Tsina ang hatol ng naturang arbitrasyon, sasabotahe ito sa kaayusang pandaigdig at makakapinsala rin sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea. Pero ani Liu, hindi sumasang-ayon ang panig Tsino sa ideyang ito.
Ipinahayag ni Liu, na ilegal na sinasakop ng Pilipinas ang maraming isla at reef ng Tsina sa Nansha Islands. Aniya, ang pagharap ng Pilipinas ng naturang arbitrasyon ay para maging lehitimo ang ilegal na aksyong ito.
Dagdag ni Liu, sa katotohanan, ang South China Sea arbitration ay may kinalaman sa soberanya sa teritoryo at demarkasyon sa dagat. Aniya, ang isyu ng soberanya sa teritoryo ay hindi nasa loob ng hurisdiksyon ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Pagdating naman sa demarkasyon sa dagat, ani Liu, ipinahayag noong 2006 ng Tsina ang di-pagtanggap sa sapilitang arbitrasyon sa isyung ito, at ang ganitong pahayag ay ipinalabas din ng mahigit sa 30 bansa na kinabibilangan ng Britaniya.
Sinabi rin ni Liu, na may isang bansa sa likod ng South China Sea arbitration. Isinasagawa aniya ng bansang ito ang Asia-Pacific Rebalance, maraming probokatibong pananalita ang ipinalabas ng mga pulitiko ng bansang ito hinggil sa isyu ng South China Sea, at dinaragdagan din nito ang pagdedeploy militar sa paligid ng karagatang ito.
Bilang panapos, hinimok ni Liu ang mga may kinalamang bansa na itigil ang "paglalaro ng apoy" sa isyu ng South China Sea, para pangalagaan ang kapayapaan, kasaganaan, at pagtutulungan sa karagatang ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |