Sa preskon nitong Lunes, June 13, 2016, sinabi ni John Mina, Chief of Police ng Orlando, Florida, Amerika, na sa kanyang pag-atake, ipinahayag ni Omar Mateen, salarin ng pamamaril sa "Pulse Nightclub" na siyang nanumpa ng katapatan sa Islamic State, at nagtangka siyang makipagtalastasan sa pulisya pagkaraang gawin ang pangho-hostage.
Ayon kay Parr Wessel, isang opisyal ng Federal Bureau of Investigation ng Amerika na kabilang sa listahan ng 50 namatay sa nasabing insidente si Omar Mateen, at ang 49 na iba pang katao ay mga biktima. Hanggang sa kasalukuyan, nalaman na ang pangalan ng 48 biktima.
Ang nasabing pamamaril ay ikinamatay ng pinakamaraming tao sa kasaysayan ng Amerika at ito rin ang teroristikong pagsalakay na nagdulot ng pinakamalubhang kasuwalti sa Amerika pagkaraan ng September 11 attacks.
Salin: Andrea