Sa kanyang talumpati kahapon, Biyernes, ika-3 ng Hunyo 2016, sa ika-15 Shangri-la Dialogue na idinaraos sa Singapore, nanawagan si Punong Ministro Prayut Chan-o-cha ng Thailand para sa paglutas ng hidwaan sa pamamagitan ng pagsasanggunian at pagtutulungan.
Sinabi ni Prayut, na sa kasalukuyan, umiiral ang maraming hamon sa Asya-Pasipiko, at para magkakasamang harapin ang mga ito, dapat lutasin ng iba't ibang bansa ang mga hidwaan sa pamamagitan ng pagsasanggunian at pagtutulungan.
Tinukoy din ni Prayut, na angkop sa komong interes ng iba't ibang bansa ang katiwasayan at katatagan sa rehiyong ito, at dapat magkakasamang pangalagaan ito ng iba't ibang bansa sa loob ng balangkas ng pandaigdig na batas.
Salin: Liu Kai