Ipinahayag nitong Lunes, Mayo 30, 2016 ni Prawit Wongsuwan, Pangalawang Punong Ministro ng Thailand na mula unang araw ng Hunyo 2016, tatanggalin ng pamahalaan ang pagbabawal sa paglalakbay ng mga pulitiko sa labas ng bansa. Pero, nilinaw niyang, ang mga ito ay dapat walang-kinalaman sa anumang kasong pampulitika.
Sinabi rin ni Prawit Wongsuwan, na hindi makikinabang si dating Punong Ministrong Yingluck Shinawatra mula rito, dahil kinakaharap niya ang akusasyon ng pagpapabaya at pag-abuso sa tungkulin, sa Rice Subsidy Program ng Pamahalaang Thai.