Sa Chantaburi, Thailand-Nagtapos dito nitong Martes, Hunyo 7, 2016 ang magkasanib na ensayong militar ng hukbong pandagat ng Tsina at Thailand. Dumalo at bumigkas ng talumpati sa seremonya ng pagpipinid si Rear Admiral Wang Hai, Pangalawang Komander ng hukbong pandagat ng Tsina, kasama ng kanyang Thai counterpart na si Admiral Naris Prathumsuwan.
Tinukoy ni Wang na hindi lamang nito pinapasulong ang pragmatikong pagtutulungan at pagpapalitang militar ng dalawang hukbong pandagat, kundi pinapalakas din ang kanilang mapagkaibigang relasyon sa isang mas mataas na antas.
Ipinahayag naman ni Prathumsuwan na pinataas ng ensayong ito ang kakayahang pandigma ng mga sundalo. Samantala, pinalakas din nito ang pagkakaibigan sa pagitan ng mga mamamayan at sundalo ng dalawang bansa.
Ang Blue Strike 2016 ay sinimulan noong Mayo 21 sa Sattahip Naval Base sa Chon Buri. Lumahok sa pagsasanay ang higit 500 marino mula sa dalawang bansa.