Ayon sa ulat ng media, nagbabalak ang panig Amerikano na idaos ang "pribadong pagtatagpo" nina Pangulong Barack Obama at Dalai Lama, sa ika-15 ng Hunyo, 2016. Kaugnay nito, ipinahayag Miyerkules ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina na nagharap na ang kanyang ministri ng solemnang representasyon sa Pasuguan ng Amerika sa Tsina. Buong tatag na tinututulan aniya ng panig Tsino ang mga may kinalamang balak ng panig Amerikano.
Binigyang-diin ni Lu na ang mga suliranin ng Tibet ay suliraning panloob ng Tsina, at walang karapatang makialam dito ang anumang ibang bansa. Aniya, si Dalai Lama ay hindi isang personaheng panrelihiyon lamang, sa halip, siya ang desteradong tauhang pulitikal na laging nagsasagawa ng mga separatistang aksyong laban sa Tsina sa ngalan ng relihiyon. Kung babalakin aniya ng panig Amerikano ang nabanggit na pagtatagpo, ipapadala nito ang maling signal sa mga puwersang naninindigan ng "pagsasarili ng Tibet," at makakapinsala ito sa pagtitiwalaan at pagtutulungan ng Tsina at Amerika. Dagdag ni Lu, hinimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na sundin ang pangakong "kumikilala na ang Tibet ay isang bahagi ng Tsina, at hindi kumakatig sa pagsasarili ng Tibet," at itigil ang anumang pagkatig sa puwersang naninindigan ng "pagsasarili ng Tibet."
Salin: Vera