Belgrade, Serbia--Pumunta Biyernes, ika-17 ng Hunyo 2016 ng hapon, local time, si Pangulong Xi Jinping at First Lady Peng Liyuan ng Tsina, sa pook ng dating embahadang Tsino sa Federal Republic of Yugoslavia, para magbigay-galang sa mga martir Tsino, na nasawi sa pagbomba ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa naturang embahada.
Kasama ng mag-asawang Xi ang mga lider ng Serbia na kinabibilangan nina Pangulong Tomislav Nikolic, Ispiker Maja Gojkovic ng Parliamento, Punong Ministro Aleksandar Vucic, at iba pa.
Noong ika-7 ng Mayo, 1999, isinagawa ng tropa ng NATO na pinamumunuan ng Amerika, ang barbaric missile attack sa embahada ng Tsina sa Belgrade. Ikinamatay ito ng tatlong mamamahayag na Tsino na sina Shao Yunhuan ng Xinhua News Agency, at Xu Xinghu at Zhu Ying ng pahayagang Guangming Daily. Ikinasugat naman ito ng maraming iba pang tauhan ng embahada. Grabe ring nasira ang mga gusali ng embahada.
Salin: Liu Kai