Lumisan kaninang umaga, Biyernes, ika-17 ng Hunyo 2016, ng Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, para pasimulan ang kanyang pagdalaw sa Serbia, Poland, at Uzbekistan. Dadalo rin siya sa Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), na nakatakdang idaos sa Tashkent, kabisera ng Uzbekistan.
Ayon sa Ministring Panlabas ng Tsina, ang pagpapasulong ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road o "Belt and Road" Initiative ay isang pokus ng biyaheng ito. Sa summit ng SCO, uulitin ni Xi ang paninindigan ng Tsina hinggil sa pagpapalakas ng pagkakaisa at pagtitiwalaan, at pagpapalalim ng pagtutulungan sa iba't-ibang larangan, para isakatuparan ang bagong pag-unlad ng SCO.
Salin: Liu Kai