Wang Gengnian, Director-general ng China Radio International sa seremonya ng pagbubukas ng Chinese Movie Week sa Serbia
Binuksan kahapon, Huwebes, ika-16 ng Hunyo 2016, sa Belgrade, Serbia, ang Chinese Movie Week. Bilang aktibidad ng pagpapalitang pangkultura ng dalawang bansa, itatanghal sa mga manonood na Serbian ang 6 na pelikulang Tsino.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Wang Gengnian, Director-general ng China Radio International (CRI), na bilang isa sa mga tagapagtaguyod, ikinagagalak ng CRI ang pagdaraos ng aktibidad na ito sa panahon ng pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Serbia. Umaasa aniya siyang, sa pamamagitan ng aktibidad, mapapasulong ang pagpapalitan at pagtutulungan sa sektor ng pelikula ng dalawang bansa, at mapapalalim ang pagkakaunawaan at pagkakaibigan ng kanilang mga mamamayan.
Ang "Small Town Memory," isa sa 6 na pelikulang itatanghal sa naturang aktibidad, ay ginawa ng CRI.
Salin: Liu Kai