Dumalo kahapon, Biyernes, ika-17 ng Hunyo 2016, sa Belgrade, Serbia, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng paglalagay ng panulukang bato para sa Sentro ng Kulturang Tsino. Dumalo rin sa seremonya ang mga lider ng Serbia na kinabibilangan nina Pangulong Tomislav Nikolic, Ispiker Maja Gojkovic ng Parliamento, Punong Ministro Aleksandar Vucic, at iba pa.
Itatayo ang naturang sentro sa pook ng dating embahadang Tsino sa Federal Republic of Yugoslavia. Ito ay magiging kauna-unahang sentro ng kulturang Tsino sa Timog-silangang Europa.
Salin: Liu Kai