Nagtagpo kahapon, Biyernes, ika-17 ng Hunyo 2016, sa Belgrade, Serbia, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Tomislav Nikolic ng Serbia.
Tinukoy ni Xi, na nagkakaroon ang Tsina at Serbia ng tradisyonal na pagkakaibigan, mabunga ang kooperasyon ng dalawang bansa, at makulay ang pagpapalitan ng kanilang mga mamamayan. Iminungkahi niyang magkasamang pasulungin ng dalawang bansa ang pagiging estratehiko at komprehensibo ng kanilang relasyon, at palawakin ang pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang aspekto.
Sinabi naman ni Nikolic, na ang Serbia ay matagal at tunay na kaibigan ng Tsina. Aniya, dapat buong tatag na katigan ng dalawang bansa ang mga nukleong interes at malaking pagkabahala ng isa't isa. Ipinahayag din niya ang kahandaan ng Serbia, na pasulungin, kasama ng Tsina, sa bagong antas ang relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai