Ipinahayag Miyerkules, Hunyo 21, 2016 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pasasalamat sa suporta ni Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya sa paninindigan ng Tsina sa isyu ng South China Sea. Ipinahayag noong Hunyo 20, 2016 ni Hun Sen na ang arbitrasyong isinumite ng Pilipinas hinggil sa isyu ng South China Sea ay para sa layuning pampulitika, at hindi susuportahan ng Kambodya ang mga ito. Umaasa aniya si Hun Sen na malulutas ng mga direktang may-kinalamang panig ang isyung ito, sa mapayapang talastasan. Ipinahayag ni Hua na hindi matataganggap ng Tsina ang anumang resulta mula sa ilegal at di-makatarungang arbitrasyon.
Ani Hua, ipagpapatuloy ng Tsina, kasama ng mga may-kinalamang soberanong bansa, ang negosasyon para lutasin ang mga alitan, sa pamamagitan katotohanang pangkasaysayan at pandaigdigang batas.