NAGLABAS ng arrest warrant ang Sandiganbayan laban kay Senador Joseph Victor "JV" Ejercito sanhi ng usaping technical malversation sa diumano'y maling paggamit ng P 2.1 milyon calamity funds noong 2008 habang siya'y punong-lunsod.
Ayon sa resolusyong nilagdaan noong Lunes, sinabi ng Sixth Division na mayroong sapat na detalyes and impormasyon upang litisin ang dating punonglunsod kasama si Vice Mayor Francis Zamora para sa technical malversation.
Sina Mayor Ejercito, Voce Mayor Zamora at iba pang mga konsehal ang nahaharap sa kasong technical malversation sa paggamit ng calamity funds sa pagbili ng high-powered firearms. Konsehal pa lamang noong si G. Zamora.
Si G. Zamora ay nagbayad na ng piyansa sa halagang P 6,000.
Sinabi naman ni Senador Ejercito na nagbayad na rin siya ng piyansa kanina. Haharapin niya ang proseso, dagdag pa ng senador at umaasa ring mapapawalang-sala.