|
||||||||
|
||
NAKASAMA sa ASEAN-China Forum on Youth and Humanities na may temang "Respect, Respond and Rehab in Humanities – Youth Role" noong ika-16 haggang ika-18 ng Hunyo sa Changchun, sa Jilin Province ang mga opisyal ng Philippine Embassy sa Beijing.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, binuo ng ASEAN-China Centre sa pakikipagtulungan ng Education office ng Embassy of Malaysia at Jilin University na layuning mapalakas ang kaalaman sa kahalagahan ng gumagandang relasyon ng ASEAN at China.
Dinaluhan ito ng ACC Secretary General Yang Xiuping at mga kinatawan ng mga embahada ng Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Laos, Thailand at Vietnam kasama ang mga propesor at mga mag-aaral ng Jilin University.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni ACC Secretary General Yang na mahalaga ang taong 2016 sapagkat ito ang ika-25 taon ng ASEAN-China dialogue relations.
Sinabi naman nbi Education Counselor Dr. Mohd Rozi Ismail ng Embassy of Malaysia na kailangang mag-isip ang mga kabataan ng mga paraan upang makatugon sa pangangailangan ng lipunan. Idinagdag naman ni Dean Chen Dingding ang kahalagahan ng paggalang sa isa't isa at pagpapayabong ng relasyon sa pagitan ng mga mamamayan.
Dalawang mag-aaral na Filipino, sina Brian Uy Doce at Francis Martinez Esteban na nag-aaral sa JLU School of International and Public Affairs ang lumahok sa pagtitipon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |