Napili ng European Council on Tourism and Trade (ECTT) ang Kambodya bilang World Best Tourism Destination para sa 2016.
Sa seremonya na idinaos kahapon sa Phnom Penh, ipinahayag ni Punong Ministrong Hun Sen ng Kambodya na tiyak na hihikayatin ng karangalan na ito ang mas maraming turista na pumunta sa Kambodya. Aniya pa, nitong ilang taong nakalipas, sumikat ang Kambodya dahil sa digmaan at alitan, subalit, mula sa araw na ito, i-uupdate ng Kambodya ang kaalaman ng mga mamamayan ng daigdig.
Mga 30 bansa ang kalahok sa kompetisyon, at ang ulat na inilahok ni Kambodya ay may temang "The Land of Magic-The Place Where Gods And Kings Build the World!".
Ayon sa ECTT, matagumpay ang Kambodya dahil sa mayamang panamang kultural at histrorikal nito pati ang napakagandang kapaligirang pangkalikasan.
Dalawang cultural site ng Kambodya ang inilakip sa listahan ng mga World Heritage ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO). Isa ay Angkor Archaeological Park sa probinsyang Siem Reap at isa pa ay Preah Vihear Temple sa probinsya ng Preah Vihear. At noong 2015, umabot sa 4.8 milyong persontime ang bilang mga turistang dayuhang bumista ng Kambodya na naipadala ang mahigit 3 bilyong USD na kita sa lokalidad.