Ayon sa adwana ng Guangzhou, Tsina, Huwebes, Hunyo 23, 2016, isang grupong nagpupuslit ng droga ang magkasamang binuwag ng Tsina, Thailand, Biyetnam at Kambodya. Mahigit 28 kilogramang ice ang sinamsam ng kapulisan, at 6 na suspek ang dinakip.
Mula noong Mayo 29 hanggang Hunyo 4, 2016, magkasamang isinagawa ng adwana at kapulisan mula sa nasabing apat na bansa ang imbestigasyon.
Ang nasabing grupo ay pinamumunuan ng isang taga-kanlurang Aprika, at ang mga miyembro nito ang galing sa Tsina, Thailand, Biyetnam at Kambodya.