Ipinahayag kamakailan ni Samura Kamara, Ministro ng mga Suliraning Panlabas at Kooperasyong Pandaigdig ng Sierra Leone, na kinakatigan ng kanyang bansa ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng South China Sea. Nananawagan din aniya ang Sierra Leone sa iba't ibang panig na lutasin ang hidwaan sa karagatang ito sa pamamagitan ng mapayapang pagsasanggunian.
Ayon kay Kamara, umaasa ang pamahalaan ng Sierra Leone, na igagalang ng iba't ibang panig ang pahayag hinggil sa optional exceptions na ginawa ng Tsina batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Dagdag niya, dapat igalang ng iba't ibang may kinalamang panig ng isyu ng South China Sea ang soberanya sa teritoryo ng isang bansa, at lutasin ang hidwaan sa ilalim ng balangkas ng UNCLOS.
Ipinahayag din ni Kamara, na kailangan ang mapayapang solusyon sa isyu ng South China Sea. Nanawagan siya sa komunidad ng daigdig at may kinalamang arbitral organ na magpatingkad ng konstruktibong papel, para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea.
Salin: Liu Kai