Nag-usap kahapon, Sabado, ika-25 ng Hunyo 2016, sa Beijing, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.
Sinang-ayunan ng dalawang lider, na ipagpatuloy ang estratehikong koordinasyon at hene-henerasyong pagkakaibigan ng dalawang bansa, palakasin ang pagkatig sa isa't isa, at palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal at estratehiko. Ang mga ito anila ay para ibayo pang palalimin ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng Tsina at Rusya.
Pagkatapos ng pag-uusap, nilagdaan nina Xi at Putin ang magkasanib na pahayag ng dalawang bansa, magkasanib na pahayag ng dalawang pangulo hinggil sa pagpapalakas ng pandaigdig na katatagang estratehiko, at magkasanib na pahayag ng dalawang pangulo hinggil sa magkasamang pagpapaunlad ng information at cyber space. Sinaksihan din nila ang paglalagda sa mahigit 30 dokumentong pangkooperasyon ng Tsina at Rusya sa mga aspekto ng kabuhayan, kalakalan, diplomasya, imprastruktura, inobasyon sa teknolohiya, agrikultura, pinansyo, enerhiya, media, cyber space, palakasan, at iba pa.
Salin: Liu Kai