Idinaos nitong Lunes, Hunyo 6, 2016, sa Beijing ang ika-3 pagsasanggunian ng Tsina at Rusya hinggil sa isyung panseguridad sa Hilagang Silangang Asya.
Buong pagkakaisang ipinalalagay ng dalawang panig na dapat igiit ang walang sandatang nuklear sa Korean Peninsula, pangangalaga sa katatagan at kapayapaan sa rehiyong ito, at paglutas sa mga isyu sa pamamagitan ng diyalogo.
Inulit din ng dalawang bansa ang pagtutol sa pagtalaga ng Amerika ng (Terminal High Altitude Area Defense) THAAD anti-missile system sa Timog Korea.